Ngayong buwan, ikinagagalak na ipakilala ng SeeYouDoc si Dr. Arnulfo Carlos Rosario, Jr., o mas kilala bilang Doc AJ, ang bagong co-founder at Chief Medical and Marketing Officer (CMMO). Bilang CMMO, si Doc ang in-charge sa innovative development ng platform at sa pag-buo ng collaborative medical industry sa bansa. Dala ang ilang taong experience sa public health informatics, inaasahan ni Doc AJ na mas matulungan ang bawat isa makamit ang mabuting kalusugan. Ang partnership na ito ay isang malaking hakbang tungo sa layunin ni Doc AJ at ng SeeYouDoc na gawing mas accessible at inclusive ang healthcare sa bawat Pilipino.

Kilalanin si Doc AJ — doktor, Balik Scientist, entrepreneur, at pioneer sa pagdadala ng Pinoy movies sa Netflix — at ang kanyang passion para sa magpagaling ng kapwa, at alamin ang mga plano niya para gawing mas innovative ang healthcare sa Pinas kasama ang SeeYouDoc.

We are proud to announce our new Co-Founder and CMMO (Chief Medical and Marketing Officer) Dr. Arnulfo Carlos Rosario,...

Posted by Seeyoudoc on Tuesday, September 15, 2020

Calling and passions

Bata pa lang siya, pangarap na ni Doc AJ maging isang doktor. “Dream kasi ng dad ko na maging doktor kami,’ kwento niya habang inaalala kung paano nag-sikap ang mga magulang niya para matupad ang pangarap na ‘yon. Ayon sa kanya, habang ang ama niya’y nagsikap bilang aeronautical engineer sa Saudi Arabia, ang ina naman niya’y nagtrabaho bilang registered nurse sa Kuwait at US. Pero bukod doon, para kay Doc AJ, ang pagiging doktor ay pagiging isang instrumento ng Diyos para tumulong at magpagaling. “Parang [it’s] a miracle everyday when you cure someone. That’s life — ‘yon ‘yong kakaiba,” aniya at ‘yon ang nagtulak sa kaniya para mag-aral ng medisina.

Kumuha siya ng BS Biology Accelerated Program, na siyang naging pre-med program niya sa University of Santo Tomas (UST). Matapos iyon, tinuloy niya ang pag-aaral niya ng medisina sa Angeles University Foundation. Simula pa lang ng kaniyang career, nag-iisip na si Doc AJ ng iba’t ibang paraan para gawing innovative ang healthcare system sa bansa. Kasabay ng kaniyang training bilang isang dermatology resident, nag-aral din siya ng Masters of Public Health sa University of the Philippines (UP). “Ang hirap noon, pero, at the same time, nag-dodouble time ako kasi gusto ko magkaroon ng [masters degree],” sabi niya.

Balik Puso Balik Pilipinas #BalikScientistProgram Balik Scientists: Catalysts for Global Innovation and Competitiveness...

Posted by Arnulfo Jr Rosario on Friday, October 26, 2018

“Pero God has his plan din,” ika ni Doc. Noong umattend siya ng American Public Health Association conference, nagkaroon ng opening ang Public Health Informatics Fellowship program ng Centers for Disease Control and Prevention (CDC) sa Amerika. Noong panahon na iyon, isang bagong field pa lang ang Public Health Informatics. Kaya dala lang ang isang suitcase, lumipad agad siya sa Atlanta para ma-interview. At noong nalamang nakuha siya, imbis na ipagpatuloy niya ang dermatology specialization niya, pinili ni Doc AJ na mag-aral na lang ng public health informatics. “Bale ako yung first Filipino to graduate from public health informatics,” sabi ni Doc AJ, bilang siya ang kaisa-isang fellow noon na ipinanganak at lumaki talaga sa Pilipinas.

Pagkatapos ng kaniyang fellowship sa CDC, nagtrabaho siya sa Houston Health Department (HHD) sa Texas at nag-focus sa Youth/Adolescent Health and Chronic Disease Prevention. Sa kaniyang serbisyo dito siya natagpuan at inimbita para sumali sa Balik-Scientist Program ng Department of Science and Technology (DOST). Para kay Doc, isa pang malaking blessing ang opportunity na ‘to dahil, bukod sa mas lumawak ang kaniyang expertise sa ibang bansa, naibahagi niya ang kaniyang mga natutunan sa local health industry ng ating bansa.

Para sa bayan

Anniversary of the 1st time we met Cheryll Jean #aj2cj2 #Sept25 Happy 22nd AJ&CJ 💕Today also marks the day I met for the...

Posted by Arnulfo Jr Rosario on Friday, September 25, 2020

Habang naka-focus siya sa kaniyang fellowship work, bilang isang entrepreneur, ginusto rin dalhin ni Doc AJ ang Filipino products sa States. Dahil pagmamay-ari ng pamilya ng kaniyang asawa ang Viva Films, naisipan nilang dalhin ang mga Filipino movies ng local production company sa US market. “Dahil ang puso ko nasa pilipinas,” ika niya, kaya nilapitan niya ang mga film distribution channels doon. Lumapit siya sa video rental company na Blockbuster, pati na rin sa Netflix noong mailed pa lang ang video services nila, para maging exclusive distributor ng mga pelikulang Pilipino. “You know what? Patok,” kwento niya, at bunsod nito, binigyan siya ng kanyang tinayong kumpanya na Dynamic Vision Entertainment, LLC dba Entertainment Pinoy ng Netflix stocks bago pa ito mag-boom at maging streaming service giant ngayon.

At ‘di lang doon nagtapos. Para sa Filipino community overseas na nami-miss na ang Pinas, nagdala pa siya ng iba’t ibang produkto galing sa bansa. Kasama na dito ang mga Belo beauty products, Sukang Pinakurat, mga local magazines, pati na rin ang ating mga artista gaya nila Sarah Geronimo para mag-concert sa Amerika.

Posted by Arnulfo Jr Rosario on Saturday, July 2, 2016


Sa kaniyang mga karanasan abroad, nakita ni Doc AJ na “we Filipinos can really make a difference.” At sa ilang taon na paglalakbay at pag-aaral, nakabuo siya ng maraming connections na nakapag-palawak pa lalo ng kaniyang mga karanasan. “When you gain friendship, it's easier for you to collaborate and work on projects,” ika niya, at sa mga projects na ito, mas nakakatulong siya sa kapwa. Sa adovacy niya na makatulong sa ating kababayan umiikot ang kaniyang trabaho. Kaya noong nakaranas ng delubyo ang Texas, masaya siya na nakatulong ang binuo niyang Texas Unified Society of Thomasians (Texas UST), isang organization ng mga doctor at nurse. Sa pag-spearhead ng donation drives at medical mission kasama ang mga duktor ng kanyang medical fraternity sa UST na Tau Mu Sigma Phi USA Foundation, natulungan nila ang mga Pilipinong nasalanta ng baha.

Iskolar ng bayan si Doc AJ, kaya naman tumatak na sa puso at isip niya na lahat ng efforts ay ibigay para sa bayan. Kaya ang laking tuwa niya noong una niyang naka-usap ang CEO ng  SeeYouDoc na si Noel del Castillo, isa pang UP graduate. Priority ng SeeYouDoc matulungan ang mga doktor at gawing mas convenient ang healthcare para sa mga Pilipino at tugma ang Unversal Healthcare goal ng platform sa sariling advocacy ni Doc AJ. “Kasi yun ang gusto ko,” sabi niya, “ una pa lang serve muna. Business will come later.”

Innovating healthcare

Doing a virtual consultation is now possible through SeeYouDoc
Sa SeeYouDoc, pwede nang mag-book ng virtual consultations ang mga pasyente.

Pangarap ni Doc AJ na maging largest e-health network ang SeeYouDoc domestically at globally. Pero ngayon pa lang, mukhang papalapit na sila sa vision na ‘yon. Pioneer ngayon ang SeeYouDoc sa arena ng telemedicine at accredited pa ito ng Department of Health (DOH). Gamit ang platform, mas nagiging connected ang bawat Pamilyang Pilipino sa isa’t isa habang napapangalagaan ang kalusugan. Inaasahan sa mga darating na buwan, pwede nang mag-book ang mga OFWs ng consultation para sa mga kamag-anak nila dito, o kaya nama’y magpa-consult mismo sa mga lokal na doktor habang nasa abroad.

Maliban doon, ngayong linggo lang, nangyari na ang first onboarding ng multi-specialty doctors to help vulnerable population. Bukod doon, nagkaroon sila ng oportunidad ma-serve ang bagong client base — mga US veterans. “So right now, tine-train namin yung partner doctors natin to help them,” kwento ni Doc AJ.

Pero ang pagbabago, may kasama laging challenges. Ayon kay Doc AJ, ang pinaka-malaki talaga para sa SeeYouDoc ay ang traditional practices ng mga pasyente at ng mga doktor. “You need patience,” sabi niya at “you adjust to the way of communicating nila” para makuha mo pano sila matutulungan tanggapin ang technological changes. “‘Yon ang challenge: to communicate properly to your audience.”

Doctor using a laptop
Tinutulungan din ng SeeYouDoc ang mga doktor mag-connect sa kanilang mga pasyente.

Pero sa panahon ngayon ng pandemic, mas nagiging open-minded na ang lahat sa pag-adjust sa modern practices sa medicine. “Malungkot [ang situation], pero I feel it's an opportunity to grow and build something. It allows us to do things na ‘di dating ginagawa,” ika ni Doc. At sa pagbibigay ng SeeYouDoc ng innovative healthcare services, gaya ng virtual consultations at convenient check-up booking, nakaka-tulong rin ang platform. “Tulong in the sense na, tutulungan mo ang mga pasyente at tutulungan mo rin yung doktor,” pinaliwanag niya.

Pero sa kabila ng iyon, personally, natutuwa siyang ipinagkakatiwala sa kaniya ang pagpapalago ng e-health network sa bansa. Rewarding rin para kay Doc AJ na nakikitang groundbreaking ang efforts niya at ng SeeYouDoc at malaki ang possibility na ma-inspire nito ang pag-modernize ng healthcare system sa bansa.

Connected future

“Right now the future is really happening, so together with my SeeYouDoc co-founders, we are trying to build something that nobody even dreamt about,” sabi ni Doc. Kaya kasama ang SeeYouDoc, bumubuo siya ng virtual clinics at network ng mga doktor, hospitals, at iba’t ibang health facilities.

Sa pamumuno ng SeeYouDoc, umaasa siyang magiging connected at integrated ang healthcare system sa Pilipinas. Darating ang panahon na may SeeYouDoc na nakaintegrate sa electronic medical records tulad ng CHITS (pioneer EMR ng bansa) at ito'y makakatulong sa mga doktor at pasyente na lumipat sa iba’t ibang facility at hospital saan man sa bansa o sa mundo nang walang hassle. Sisikapin niya lahat para accessible ang services. “The diagnostic, the pharmacy — everything in your dashboard,” inilatag niya. Pagkalipas ng isang dekada, nakikita niya na mas magiging convenient para sa lahat ang pag-alaga sa kalusugan.