Kung isa kang OFW, alam mo kung gaano kalaking sakripisyo ang pagtatrabaho sa ibang bansa. Sa pangingibang bayan, nahihiwalay ka sa mga kaanak. Hindi ka laging maaring mag-celebrate kasama nila tuwing may special occasion. Birthdays, graduation, o kung ano pa man — wala kayong choice kundi ma-miss iyon para maitaguyod ang pamilya. Ang mas masaklap pa ay ‘pag mayroong nagkasakit, hindi ka personal na makakapunta para maalagaan ang kalusugan ng mga mahal sa buhay. Dahil sa layo ng trabaho, isang malaking problema ang mabigyan ng karapat-dapat na health assistance ang kanilang mga pamilya.

Paano nga ba mapapangalagaan ang kalusugan ng mga pamilyang nasa Pinas kahit nasa ibang bansa ka? Sa live Health Talk ng OFW doctor at vlogger na si Dr. Mike Manio, pinaliwanag ng SeeYouDoc Co-founder at Chief Medical and Marketing Officer (CMMO) na si Dr. AJ Rosario kung paano makakatulong ang DOH-accredited platform para mabigyan ng health assistance ang mga pamilya ng ating mga OFW.

Bilang pioneer ng telehealth sa bansa, ang SeeYouDoc ay naglalayong gawing mas accessible ang healthcare sa bansa. Gamit ang SeeYouDoc website o app na available sa Android at iOS, maaari niyo nang tulungan ang inyong mga kaanak sa buhay maghanap ng licensed health professionals na makakapag-gamot sa kanilang sakit.

Ang SeeYouDoc ay mayroong over 100 doctors na galing sa iba’t ibang parte ng bansa at may kani-kanilang specializations. Ipag-register lang ang kapamilyang masama ang pakiramdam sa SeeYouDoc at maaari na silang mag-search ng doktor. Bata, matanda, buntis, o kung ano pa man ang kalagayan, ang mga kaanak ng OFWs ay makakahanap ng doktor na makakatulong sa kanilang paggaling. At sa ilang clicks lang, ay maaari na rin kayong mag-book ng consultations para sa kanila gamit ang platform.

Pwedeng mag-book ng physical appointment, ngunit maaari rin namang mag-book ng virtual consultations para mas safe at efficient para sa may karamdaman. “Sa pag-pili ng teleconsultation, makakausap niyo na [ang doktor] through your phone or sa laptop,” sabi ni Doc AJ sa live vlog kasama si Dr. Mike Manio.

"Kasi ganito na ang new normal natin,” aniya, “Pandemya. Ayaw natin mahawa ang doctor, ayaw din ng doktor mahawa sa pasyente. Kaya dito muna tayo."

OFW Overseas Foreigner Worker from Southeast Asia working in Macau as Domestic Helper. OFWs can now lend health assistance to families in the Philippines with SeeYouDoc
Saan man naroroon, babibigyan na ng OFWs ng health assistance ang kanilang mga pamilya dito sa Pilipinas. Photo by Macau Photo Agency / Unsplash

Patuloy niyang in-explain na "sa app kasi ngayon, hindi na kailangan na pupunta ka sa doctor. You can talk to the doctor as a pre-consult.” Base sa virtual meeting na iyon, titingnan ng doktor kung ano ang susunod na hakbang para mapagaling ang may sakit. Titingnan “kung magagawa niya na ‘di na kailangan mag-face-to-face [consultation].”

At bukod doon, kahit na online ang consultation, posibleng “may prescriptions na rin [na maibibigay],” sabi ni Doc AJ. "’Pag nakuha na ang prescription sa phone, ipapakita lang sa drugstore." Kumpleto na ito kasama ang doctor’s signature at ibang mahahalagang detalye na kailangan sa pagbili ng gamot sa mga pharmacy.

Core advocacy ng SeeYouDoc ang pagbuo ng convenient na healthcare platform. Kaakibat ang app, saan man kayo sa mundo — kahit nasa Hong Kong, Roma, o LA pa man kayo — mapapalagaan niyo na ang health ng inyong mahal sa buhay. Sa pagbibigay ng health assistance sa kanila, parang andito na rin kayo, nagbibigay pagmamahal sa kanila. Tulungan na silang mag-sign up na sa SeeYouDoc.